₱375 Meals sa TGI Fridays?!

Marami kaming nakikitang posts online tungkol sa isang mukhang sulit at worth it na deal or promo sa mga branches ng TGI Fridays Philippines. Mukhang malaki naman ang serving at mukhang masasarap rin ang mga dishes na kasama. Kaya hindi na kami naghintay ng matagal, sumugod na kami agad para malaman kung sulit nga ba talaga to o hindi!

Nagpunta kami sa branch nila sa SM Mall of Asia dahil ito ang pinka malapit sa amin! Matagal na rin since last kaming kumain sa TGI Fridays kasi nagmahal na rin talaga at feeling namin medyo nag deteriorate yung quality. Parang di na worth it kumain dito kumbaga.

Pero nung nalaman namin na may ₱375 promo sila na all day, everyday. Aba, parang panahon na ata para mabigyan sila ulit ng chance.

Interesting dito is may pwedeng pagpilian na 6 appetizers at 5 entrees tapos may iced tea na kasama. Sa 6 appetizers, 3 doon at wala nang extra bayad at 3 naman at parang add-on upgrade. Tapos sa 5 na entrees, 2 naman doon ay may add-on upgrade. Tapos syempre may Service Charge pa kaya maghanda ng around 400 plus at least kung kayo ay kakain dito.

Bago nmin i-share ang mga thoughts tungkol sa mga kinain namin, can we just say na very family friendly pa rin sa Fridays. Kumpleto with high chair, crayons at paper, tapos may play area pa itong branch na ito. Medyo malakas lang yung music kaya medyo x siya sa kids namin, hehe

After namin umorder, may refillable chips and dip na sinerve. Fresh naman at malutong. Minsan kasi makunat at maalat ito. Buti okay naman. Nakarami ang kids namin nito!

Mac and Cheese Bites at 6 Spiced Chicken

Solid pair! Nakakabusog talaga ang sulit na kahit may additional bayad sa Mac and Cheese Bites na ₱50. Siguro ito ang number one pair for us. 😁

Buffalo Bites at Filipino Pork Liempo

Sobrang sarap nitong pair na ito! Kahit parehong may additional na bayad, oorderin namin to ulit! Sakto yung anghang ng Buffalo Bites tapos may blue cheese dip pa. Yung Liempo naman malambot at malasa. Kung may extra budget, huwag palagpasin ang pag order dito!

Truffle Potato Crisp at Tomato and Arugula Pasta

Pinaka simple ata ito sa napili namin pero surprisingly good! Aside from medyo maalat yung chips, masarap naman yung dip at malutong yung chips. Yung pasta panalo! Ang simple pero SOBRANG SARAP! Napakagaling ng nagluto nito! Tomato based pasta na sakto yung asim at may konting tamis lang na feeling ko sa ganda ng quality ng tomatoes na ginamit. ❤️

Onion Rings at Mushroom Chicken and Mushroom

Pritong Combo pero masarap! Okay naman yung Onion Rings, pero di na masyadong malutong nung kinain namin, yung MCM naman loaded yung serving at nakakabusog! Siguro kung mahilig kayo sa fried, perfect itong combo na to 🙂

Calypso Salad At Crispy Smoked Fish

Healthy but goodie combo! Ang sarap ng salad na ito! Tropical feels, manamis namis at refreshing. Yung fish naman panalo yung smokey flavor at crispy pero di greasy. Plus points din sa gulay as sides!

All in all, very happy kami na may ₱375 meals na ang TGI Fridays! Lalo na sa mahal ng mga bilihin ngayon, mabuti na may mga ganito para sa mga diners. Yung mga sulit meals na pwedeng pang indulge paminsan minsan. Yung masarap pero di naman masyadong mabigat sa bulsa.

Kung mahilig kayong manuod ng videos check out our mini vlog tungkol sa eatsperience namin dito!

Maraming salamat sa pagbasa! Until next time, babye!

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.