Japanese EATS at Yakumi Solaire North

Hello mga ka-eats! Recently, nag staycation kami sa Solaire North at nasubukan namin kumain sa kanilang Japanese restaurant na Yakumi! Kilala sa kanilang naunang branch sa Solaire Entertainment City dahil sa premium quality Japanese food na may mga air-flown pa na isda mula mismo sa Japan na may mga magagaling na Japanese chefs pa. Kaya excited kaming masubukan kung ganoon rin ba ang quality sa Solaire North. Tara, samahan niyo na kami! Let’s go!

Very intimate ang vibe sa loob ng Yakumi na located sa 2nd floor ng Solaire North. Una akala namin closed sila dahil nakasara yung napakalaki nilang pinto. Pero nung binuksan namin, bukas pala at ang ganda ng interior nito na very minimalist.

May private dining rooms sila at dalawa dito ay mukhang for Teppanyaki. Yung legit niluluto sa harap mo yung mga kakainin ninyo, hehehe

Ito naman yung kanilang bar na may iba’t-ibang klaseng Japanese beverages both alcoholic and non-alcoholic.

Isa sa mga example na premium Japanese food na meron sila! FATTY TUNA! Na as expected, may kamahalan pero talagang quality yan for sure!

Maganda dito, kid-friendly pa rin sila!

Madilim lang pero nakuuu! Sobrang sarap ng Sashimi plate na ito!

The BEST SALMON BELLY na kahit si Sadie nakarami sa sobrang sarap nito!

Spicy, savory, and very filling na Volcano Roll!

For our full EATSperience, panoorin ang reel namin na yan about Yakumi!

Thank you and see you next time!

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.