Philippine Biodome – Manila’s NEWEST and Most Beautiful Attraction Yet!

Sa may entrance pa lang, gandang ganda na kami!

Hello, mga ka-eats! Merry Christmas sa inyong lahat lalong lalo na sa mga gustong maka-experience ng bagong pasyalan sa Metro Manila. Recently, nagpunta kami sa isang bagong pasyalan sa may Manila Ocean Park complex, ang Philippine Biodome! Ano ba ang meron sa Philippine Biodome na ito? Isa lang naman itong nature sanctuary right at the heart of Manila. Bilang isang city na mataas ang populasyon ng kabataan na naghahanap ng mga educational at fun activities, isang magandang development ito at sa post na ito, ipapakilala namin ang Philippine Biodome sa inyong lahat!

Nagpunta kaming lima, 2 adults at 3 kids sa Philippine Biodome na nakita namin sa mga social media posts na very interesting. Naisipan namin na magbook agad via Klook dahil perfect ito para sa mga anak namin na very curious lalo na tungkol sa mga animals at plants.

Kung kayo ay nagbabalak pumunta sa Philippine Biodome, mas mabuting magbook via Klook dahil sa dalawang reasons. Una, mas madali kayong makakapasok. Pangalawa, makakadiscount kayo dito. Sa Klook ay 700 na lang ang ticket price for kids and adults. Kung di ako magkakamali, below 2ft lamang ang free dito. Kaya maganda na rin kapag nakamenos kayo ng kahit kaunti gamit ang Klool at ang mga codes namin na: EATSKLOOK & THETANSKLOOK.

From 750, 700 na lang! Tapos pwede pang less with our Klook codes! Pano di ba?!
Ang daming pwedeng makita dito! Take note of the schedule lalo na sa Amphitheater nila
Photo spots everywhere pa!
Maraming cute na cute na birds!
Tulad nitong Rufous Hornbill

Monday to Friday open sila from 10am to 6pm

Saturday, Sunday at Public Holidays naman 9am to 6pm

Last admission is 1 hour before closing time

Di lang birds ang pwedeng makita dito! May tunnel aquarium rin sila for aquatic animals
Naka smile pero medyo kinabahan yan hehehe
Picture with Wise the Owl!
Ang Gwapo ng Kwago di ba?!
Family photo with their Blue and Gold Macaw

Sobrang happy kaming lahat sa mga nakita namin! Very nice ang staff, very friendly ang mga animals, at higit sa lahat very accessible ang buong Philippine Biodome kahit may wheelchair o stroller pa 🙂

Kaya kung kayo ay naghahanap ng napakagandang lugar na pwede puntahan with your kids, family, and friends, punta na dito sa Philippine Biodome!

Watch our video para mas ma-engganyo kayo pumunta!

Get your tickets here: Philippine Biodome Tickets

Promo Codes: EATSKLOOK & THETANSKLOOK

Maraming salamat! Until next time mga ka-eats! Babye!

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.