Napakaraming bagong kainan around Metro Manila. Iba’t-ibang klaseng pagkain mula sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas, Asia, at Mundo. Pero bilang food bloggers / vloggers, ano nga ba ang pinaka importante sa amin when it comes to picking where to eat?

Ngayon na parents of 3 lovely growing girls na kami, parang hindi na importante sa amin kung saan namin gusto kumain. Mas importante sa amin kung saan nila gustong kumain. Kung saan sila kakain nang mas marami. Kung saan nila magugustuhan. Medyo mahirap makahanap nun pero sobrang rewarding naman ng feeling kapag nagustuhan nila ang pagkain sa resto of the day namin. ❤️

Nakita namin itong Suffuse sa Instagram. Medyo nosebleed ang pangalan. To be honest, first time namin naencounter itong salitang to, hehe. Akala pa nga namin su-fu-se ang basa dito hehe ito pala…

Isang Asian Snack House ang Suffuse, who would’ve thought di ba? Hehe Very deep at meaningful ang pangalan nila. Tama nga naman, to fill or to spread kasi ine-aim ata nilang mag spread ng happiness sa kanilang Asian comfort food and drinks.


Malamang excited na kayo malaman kung anu-ano ang mga kinain namin at lalo na kung anu-anonang mga nagustuhan ng mga girls namin, kaya ito na!








Tuwang tuwa kami sa food ng Suffuse! Totoong na-spread nila ang happiness dahil sa mga inorder namin! Isa pa sa ikinatuwa namin, ang babata pa nga mga people behind Suffuse. Nakakainspire dahil ang gagaling nila. 🙂

Kung gusto niyo pang mas malaman ang aming Suffuse EATSperience, panoorin niyo ang video namin! Thank you for reading, ka-eats! Babye!
Restaurant: Suffuse Snack House
Address: 808 Banawe Street, Quezon City
Instagram: @suffuseph2022
***For pick-up orders, you may message them on their social media pages.***
Food we tried:
Seafood Laksa – 479
Salted Egg Chicken – 359
Salt & Pepper Pork – 359
Salted Fish Fried Rice – 169
Braised Beef & Wonton Noodle Soup – 299
Charsiu Chicken Dry Noodles – 229
Soy Chicken Rice – 199
Spicy Cabbage with Bean Sprout – 199
Szechuan Squid – 369
Cereal Fish – 349
Soyed Wonton – 189
Hot Prawn Salad – 369
Honey Soy Garlic Chicken – 149
Drinks:
Orange Green Tea – 130
Brown Sugar Pearl with Milk – 140
Chachago Pearl Milk Tea – 120
