50% OFF CREDIT CARD DINING PROMOS – December 2024

Hello mga ka-eats! This year, mas naging active kami sa mga Facebook groups ulit at isa dito ay ang Kaskasan Buddies. Group sila na nagpropromote ng responsible credit card use at anti-scam posts para makatulong sa maraming tao na nangangailangan ng guidance sa kanilang finances.

Isa sa mga posts na lagi naming inaabangan dito ay ang kanilang 50% OFF CREDIT CARD DINING PROMOS post para kami ay makasulit sa aming mga EATSperiences! Importante ito lalo na napakamahal na kumain sa labas at para naman makatipid pero enjoy pa rin ang pamilya namin.

Example ng mga credit card dining promos na 50% OFF

Masaya makakita ng mga credit card promos lalo na kapag marami rami ito for your credit card o cards para mas marami tayong choices at marami tayong masubukan. Isa sa mga paborito namin ay kapag may promo ang Bistro Group, hehehe Bakit? Dahil marami silang branches sa iba’t-ibang mga malls all over Metro Manila! Iba ibang cuisines pa ang meron sila. Kung familiar kayo sa TGIFridays, Italiannis, Texas Roadhouse, Buffalo Wild Wings, Watami, Modern Shang, and many more part sila lahat ng Bistro Group! At currently meron silang 50% OFF with a minimum spend of ₱3,000 at maximum discount of ₱3,000 if hindi ako nagkakamali, hehe

https://www.facebook.com/share/p/Dkpupm4AWsYRRNQk/?mibextid=CTbP7E

Pwede ninyong ma-access ang iba ibang dining promos sa link na yan sa post ng Kaskasan Buddies! Kinompile na nila lahat para sa iba ibang credit cards dito sa Pilipinas! Panalo di ba?!

Isa sa paborito namin when it comes to dining promos!
Bago pumasok, siguraduhing may promo sa araw ng pagbisita ha, para di tayo mapaso hehe
Bago mag order naglilista lisa muna kami at bilang bilang para di mapasobra sa ₱3,000 minimum hehe
Pagkatapos maglista at magbilang, time to order na!
Antayin ang mga inorder at mag-enjoy!
Tuwang tuwa at busog na busog kami lagi kapag may mga promos na ganito hehe
Final Bill! Sulit di ba?!

Ayos ba? Ang dali lang mga ka-eats! Kaya kung ako sa inyo, follow niyo na sa FB ang Kaskasan Buddies at join na sa Kaskasan Buddies FB group para sa mga promos na ganito at para naman makatipid pero rin sa financial education. ❤️

https://www.instagram.com/reel/DB50xgTuBTa/?igsh=aHhqbnl0M2xwb2V1

Maraming salamat sa pagbasa mga ka-eats, until next time babye!!!!

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.